Dec 01, 2025 | 5:30 AM
Ipinahayag ng activist group na Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) nitong Lunes na pinag-aaralan nila ang muling pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa sandaling matapos ang one-year ban sa Pebrero 5, 2026.
Ayon kay BAYAN chairperson Teddy Casiño, ang plano ay nakadepende sa magiging desisyon ng Supreme Court sa kanilang apela matapos ideklara ng korte bilang unconstitutional ang mga naunang articles of impeachment laban kay VP Duterte noong unang bahagi ng taong ito.
Sinabi ni Casiño na maraming dinagdag na conditions ang Supreme Court, kaya mas mahirap na mag-file ng impeachment, ngunit tiniyak niya na may intensyon ang grupo na ipagpatuloy ito.
**
Napatunayang nagkasala si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga dahil sa disorderly behavior ng House Ethics Committee dahil sa umano’y hindi angkop na asal sa ilang social media posts niya.
Inirekomenda ng komite na suspindihin si Barzaga sa loob ng 60 araw nang walang matatanggap na sahod o benepisyo, kalakip ang isang mahigpit na babala.
Matapos ilabas ang rekomendasyon, humarap si Barzaga sa plenaryo at sinabi niyang buong puso niyang tinatanggap ang desisyon ng komite. Nasa 29 na mga kongresista mula sa National Unity Party ang nag reklamo laban kay Barzaga.
*
Pinabulaanan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang alegasyon ng mga nagpoprotesta na nagkaroon ng “overkill” sa seguridad sa idinaos na Trillion Peso March lalo na sa Mendiola malapit sa Malacañang kung saan hinarang ang mga demonstrador upang hindi na makalapit pa.
Paliwanag ng kalihim, walang overreaction, ang meron lang ay under reaction. Overreaction aniya kung nagkakasakitan na. Giit pa niya, ang paglalagay ng maraming tauhan ay bahagi lamang ng pagtiyak ng kaayusan at kaligtasan ng lahat.
I