Nanawagan si Pope Leo XIV ng tuloy-tuloy na pag-uusap para makamit ang tama at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.
Ito ang naging mensahe ng Santo Papa ng makaharap niya personal sa pagbisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Ang kaniyang komento ay kahalintulad ng palaging hiling ni Zelensky na dapat matiyak na ang anumang kasunduan para matapos ang giyera sa Ukraine ay balanse at hindi lamang pabor ito sa Russia.
Giit din ng Santo Papa na dapat ay magkaroon ng hakbang ang mga diplomatic para maisakatuparan ang kapayapaan.
Pinasalamatan naman ni Zelensky ang Santo Papa dahil sa patuloy na pagdarasal nito sa mga mamamayan ng Ukraine at para matapos na ang giyera.
----
Ipinagmalaki ni US President Trump na kanilang kinumpiska ang tanker malapit sa Venezuela.
Sinabi nito na pinangunahan ng US Coast Guard ang pagkumpiska ng nasabing oil tanker ng Venezuela.
Dagdag pa ng US President na isa sa mga pinakamalaking oil tanker na mula sa Venezuela ang kanilang nakumpiska.
Magugunitang makailang ulit na nagsagawa ng airstrike ang US sa mga bangka ng Venezuela na nagdadala ng iligal na droga.
-----
Magpapatupad ng paghihigpit ang US sa ilang dayuhan na papasok sa kanilang bansa.
Maapektuhan dito ang mga turista ng maraming bansa kabilang na ang United Kingdom kung saan ay dapat ay ipaalam nila ang kanilang social media activity sa nagdaang limang taon bago makapasok sa US.
Basta pumirma sila ng Electronic System for Travel Authorization (ESTA) ay kasama ring maapektuhan ang mga bansa na eligible naman sa pagbisita ng US sa loob ng 90 na araw kahit walang visa.
Sinang-ayunan naman ng Customs and Border Protection (CBP) at Department of Homeland Security (DHS) ang nasabing panukala bilang bahagi ng paghihigpit.
Inaasahan kasi sa susunod na taon ay tataas ang bilang ng magtutungo sa US dahil sa doon gaganapin ang FIFA World Cup ganun din ang 2028 Olympics sa Los Angeles.