Skip to content

December 12 - 6 am NEWS

December 12 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 12, 2025 | 6:30 AM
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand   Marcos Jr. ang credentials ng bagong itinalagang embahador ng Chile at China sa isang pormal na seremonya sa Malacañan Palace nitong Huwebes. Ipinasa kay sa pangulo ang letters of credence nina His Excellency Felipe Alejandro Diaz Ibañez ng Chile at His Excellency Jing Quan ng China.  Binati ng Pangulo ang dalawang opisyal at tiniyak ang kahandaang palawakin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa kanilang mga bansa.
Pinuri ni Marcos ang matagal nang magandang relasyon ng Pilipinas at Chile, at nagpahayag ng kumpiyansa na higit pa itong lalalim.  Si Diaz ay dating nagsilbi bilang consul sa Chilean Embassy sa Pilipinas mula 2003 hanggang 2008.  Sa pagtanggap naman sa bagong Chinese envoy, binigyang-diin ng Pangulo na mahalagang kaibigan at partner ng Pilipinas ang China. 
**
Inanunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III ang pag-urong sa schedule ng pulong ng bicameral conference committee para sa 2026 national budget.Sinabi ni Sotto na nagpasya ang chambers ng Kongreso na gawin na lamang sa Sabado, Disyembre 13 ang pulong at sa halip na sa Biyernes. Hiniling umano ng mga technical staff ng House at Senate na i-urong ng isang araw para maayos ang ilang detalye ng matrix ganun din ang ilang probisyon.
Tiniyak din nito na ang lahat ng mga detalye ay naisasapubliko para sa transparency kung saan susuriin ng House of Representatives ang bersyon ng Senado ng budget ganun din ang gagawin nila na inaprubahang budget ng House.
**

Dalawang gintong medalya na ang ambag ng jiu-jitsu team para sa Pilipinas sa nagpapatuloy na 2025 Southeast Asian Games. Kapwa nagpakita ng impressive performance sina Filipino jiu-jitsu artists Kimberly Custodio at Dean Roxas.

Nagawa ni Roxas na pataubin ang Singaporean na si Aacus Hou Yu Ee sa Jiujitsu-Ne-Waza -85 kgs sa pamamagitan ng maikling submission. Una niyang tinalo ang mga pambato ng Vietnam at Indonesia sa elimination rounds. Ito ang kaniyang ikalawang gintong medalya sa parehong event. Ang una ay noong 2019 SEA Games.

Nagawa naman ni Custodio na pataubin ang kaniyang nakalabang Thai fighter na si Sugun Nutchaya sa 48kg ne-waza jiu-jitsu. Nakapagbulsa ang Pinay martial artist ng tatlong puntos sa huling 30 segundo ng laban, dahilan upang pumabor sa kaniya ang naging desisyon ng judges. Ito ang kaniyang unang gintong medalya sa SEA Games.

Ang dalawang gintong medalya sa jiu jitsu ay ang ikatlo at ika-apat na ginto ng PH sa nagbabatuloy na regional sports competition.