Magsasagawa ng matinding pagtatrabaho ang mga European leaders sa mga susunod araw para maisakatuparan ang ceasefire deal na pinangunahan na US sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ginawang pag-uusap sa telepono ni US President Donald Trump at sina United Kingdom Prime Minister Sir Keir Starmer, French President Emmanuel Macron at German Chancellor Friedrich Merz.
Bagamat hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye ay isa lamang ang pakay ng usapan at ito ay ang pagpapatuloy na maisakatuparan ang ceasefire deal.
Magugunitang tinawag ni US President Donald Trump ang mga lider ng Europa na mahina dahil sa hindi nila isinulong ang pagtatapos ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
----
Naglabas ng desisyon ang federal judge na humaharang sa pasya ni US President Donald Trump sa pagpapakalat ng National Guards sa Los Angeles.
Nakasaad din sa desisyon ni U.S. District Judge Charles Breyer ang pagbabalik sa control ng state governor.
Dagdag pa sa nasabing desisyon na hindi nararapat ang rason na kaya nagpakalat ng National Guard ay dahil sa nagresulta sa rebellion ang mga nagaganap na protesta laban sa immigration.
Tinanggihan rinni Breyer ang sinasabi ni Trump na ang korte ay walang kapangyarihan para pag-aralan ang desisyon ng pangulo na ikontrol ang National Guard units.
----
Nakakuha ang administrasyong Marcos Jr. ng bagong $500 milyong (P29.6 bilyon) policy loan mula sa Asian Development Bank (ADB) para palakasin ang marine ecosystems at itaguyod ang mas matibay na “blue economy”.
Tinatawag itong Marine Ecosystems for Blue Economy Development Program (Subprogram 1) na may karagdagan pang $470 milyon (P27.8 bilyon) na maaaring makuha mula sa Agence Francaise de Developpement at Germany’s KfW Development Bank.
Hindi tulad ng project loans na diretso sa mga proyekto na mahigpit ang audit, ang ganitong policy loan ay pumapasok sa pangkalahatang badyet ng gobyerno para sa regular na gastusin tulad ng interest payments at bonuses ng mga opisyal at ibinibigay lamang ang pondo ‘pag naaabot ang ilang mga malalawak na layunin.
Sabi ng ADB, palalakasin ng programa ang plastic at solid waste management at investments sa natural capital para sa “long-term ecological and economic resilience” at proteksiyon kontra climate risks. (Eileen Mencias)