Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber 1 ang kahilingan ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte na iapela ang desisyon kaugnay sa pagsisiwalat ng mga komunikasyon sa pagitan ng ICC Registry at isang panel na magsagawa ng medikal na pagsusuri kay Duterte.
Ayon sa chamber, ang isinusulong ng kampo ni Duterte ay walang “appealable issue” na nakapaloob sa Article 82(1)(d) ng Rome Statute na nagsasabing ang isang partido ay maaaring iapela ang desisyon na lubhang makakaapekto sa patas at mabilis na pagsasagawa ng proceedings o ng kalalabasan ng trial.
***
Tahasang sinabi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na ititigil ang pamamahagi ng cash aid sakaling may ‘epal’ na pulitiko na magge-‘gatecrash’ sa lugar na pagdarausan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi niya papupuntahin ang kanyang paymaster sa lugar kung may mga nakaabang na pulitiko na makikisawsaw sa distribusyon.
Gayunman, bagamat aminado si Gatchalian na ipinagbabawal ang partisipasyon o pakiki-alam ng mga pulitiko sa pamamahagi ng cash aid, wala namang malinaw na batas o parusa na maaaring ipataw sa mga ‘epalitiko’.
**
Pinapayagan na ng Department of Transportation oi DOT ang paggamit ng mga motorista ng digital driver’s license na maaaring ma-access sa Land Transportation Management System o TMS) portal.
Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez sa panayam sa programang Dos Por Dos, na maaari nang ipakita ng mga motorista ang E-driver’s license sa oras ng traffic violation o inspeksiyon na dapat na tanggapin at kilalanin ng mga traffic enforcer bilang isang balidong dokumento.
Ang pahayag ni Lopez ay kasunod ng memorandum circular kamakailan na suspendido ang pagkumpiska ng physical driver’s licenses ng LTO at deputized traffic enforcers.
Ang kautusan ay tatagal ng 30 araw habang ang patakaran at circulars ay nirerepaso.