Matagumpay na nakabalik sa Earth ang mga astronaut ng International Space Station (ISS) Crew-11 matapos ang maagang pagtatapos ng kanilang mission, nang mag-splashdown ang SpaceX Dragon Endeavour capsule sa karagatang pasipiko sa baybayin ng San Diego nitong Enero 15.
Isinagawa ang parachute-assisted splashdown dakong alas-3:41 ng umaga (local time), matapos humiwalay ang kapsula sa Harmony module ng ISS alas-5:20 ng hapon noong Enero 14.
Kinilala ang NASA astronauts na sakay ng mission na sina Zena Cardman (commander) at Mike Fincke (pilot), kasama ang mission specialists na sina Kimiya Yui ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) at Oleg Platonov, isang Russian cosmonaut.
Nabatid na ang maagang pagbabalik ng Crew-11 ay bunsod ng isang hindi isiniwalat na medical issue na kinasangkutan ng isa sa mga tripulante.
Matatandaan na inanunsyo ng NASA noong Enero 8 na tatapusin nang mas maaga ang mission, ngunit hindi pinangalanan ang apektadong astronaut.
Matapos ang splashdown, isinailalim ang mga crew member sa paunang medical checks sakay ng recovery vessel. Inaasahang dadalhin muna sila sa pampang bago lumipad patungong Johnson Space Center sa Houston.
Inilunsad ang Crew-11 patungong ISS noong Agosto 1, 2025, at dumating sa orbital laboratory makalipas ang isang araw para sa orihinal na planong anim na buwang misyon.
-----
Inihayag ni US President Donald Trump na itinigil ng Iran ang nakatakdang executions o pagpatay sa mga nakakulong na protesters.
Sinabihan din umano ang US President na nahinto na ang mga pagpatay sa Iran, subalit sa kabila nito, tinitimbang pa rin ni Trump ang pagkakasa ng military action sa naturang bansa.
Ipagpapatuloy din umano ng kaniyang administrasyon ang pagsubaybay sa crackdown sa mga nagpoprotesta sa Iran.
Samantala, hinimok naman ang ilang US personnel na lisanin ang base militar ng US sa Qatar bilang pagiingat. Maraming nasyon na rin ang naghikayat sa kanilang mamamayan na lisanin ang bansa habang ilang airlines naman ang nagpatupad ng rerouting ng kanilang flights para maiwasan ang airspace ng Iran.
Sa kasalukuyan, kabuuang 2,400 protesters na ang napatay mula nang simulan ng Iran ang crackdown, base sa datos mula sa US-based human rights group.
Hanggang sa ngayon din ay patuloy na ipinapatupad ng estado ang internet blackout halos isang linggo na ang nakakalipas.
----
Sinuspendi ng US ang pagproseso ng mga immigration visas mula sa 75 bansa.
Ayon sa State Department, bahagi ito sa pinaigting na immigration crackdown nila.
Kabilang sa mga bansa ang Thailand, Yemen, Braziil, Russia, Nigeria at Afghanistan.
Magiging epektibo ito sa darating na Enero 21 para matiyak na walang mga bagong immigrans ang makikinabang sa yaman ng America.
Paglilinaw ng State Department na hindi apektado dito ang mga kumukuha ng visitors visas.
Full List of 75 Countries on Hold for U.S. Immigrant Visa Processing:
Africa (27 countries)
Nigeria
Somalia
Ghana
Egypt
Sudan
South Sudan
Ethiopia
Eritrea
Libya
Morocco
Algeria
Tunisia
Mali
Niger
Chad
Burkina Faso
Central African Republic
Democratic Republic of Congo
Republic of Congo
Cameroon
Guinea
Sierra Leone
Liberia
Uganda
Rwanda
Burundi
Angola
Asia (22 countries)
Afghanistan
Pakistan
Iran
Iraq
Syria
Yemen
Lebanon
Jordan
Palestine
Saudi Arabia
United Arab Emirates
Qatar
Bahrain
Oman
Kuwait
Bangladesh
Myanmar
Thailand
Sri Lanka
Nepal
North Korea
Mongolia
Europe (8 countries)
Russia
Belarus
Ukraine
Georgia
Armenia
Azerbaijan
Bosnia and Herzegovina
Kosovo
North America & Caribbean (13 countries)
Haiti
Cuba
Dominican Republic
Jamaica
Trinidad and Tobago
Grenada
Saint Lucia
Saint Vincent and the Grenadines
Antigua and Barbuda
Dominica
Saint Kitts and Nevis
Belize
Guyana
South America (3 countries)
Brazil
Venezuela
Colombia
Oceania (1 country)
Fiji