Sinentensiyahan ng isang korte sa South Korea ng limang taong pagkakakulong si dating South Korean President Yoon Suk Yeol nitong Biyernes, Enero 16, matapos siyang mapatunayang nagkasala para sa kasong may kinalaman sa obstruction of justice at iba pang krimen kaugnay ng kanyang kontrobersyal na deklarasyon ng martial law.
Sa desisyong ibinaba ni Judge Baek Dae-hyun ng Seoul Central District Court, napatunayang nagkasala si Yoon sa pagharang sa mga imbestigador para siya’y arestuhin, gayundin sa hindi pagsama sa ilang miyembro ng gabinete sa isang meeting kaugnay ng pagpaplano ng martial law.
Gayunpaman, pinawalang-sala si Yoon sa kasong pamemeke ng mga dokumento dahil sa kakulangan ng mga ebidensya. Binigyan din ang dating pangulo ng pitong (7) araw upang maghain ng apela.
Una nang hiniling ng mga prosecutors ang 10-taong pagkakakulong kay Yoon at parusang kamatayan bilang umano’y pinuno ng isang insurrection dahil sa pagpapatupad ng martial law.
Ayon sa kanila, nararapat ang pinakamabigat na parusa kay Yoon dahil hindi umano ito nagpakita nang anomang pagsisisi na nagbantang guluhin ang bansa.
Batay sa ilang ulat kapansinpansin umano ang pag-ngiti ni Yoon sa loob ng hukuman habang binabasa ang hiling na death penalty ng prosecutors.
Nanatili namang matatag ang paninindigan ng kampo ni Yoon na ang pag-deklara nito ng Martial Law ay bilang paggamit lamang umano ng emergency power ng pangulo.
-----
Muling nakakumpiska ang US ng oil tanker sa Caribbean Sea.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagkontrol ng US sa mga pag-angkat ng Venezuela ng kanilang mga langis.
Ayon sa US Southern Command, na ang MV Veronica, ay basta na lamang naglayag palabas ng Venezuela at ito ay sumusuway sa kautusan ni US President Donald Trump.
Ito na ang pang-anim na oil tanker na kinumpiska ng US sa Caribbean Sea.
Hindi aniya tiitgil ang US sa pagkumpiska ng mga dark fleet na ito ay binubuo ng mahigit 1,000 na mga sasakyang pandagat na nagdadala ng mga sanctioned oil.
Mula kasi ng maaresto ng US si Venezuelan President Nicolas Maduro ay plano ng US na kontrolin ang oil reserves ng nasabing bansa.
----
Dumating na sa Greenland ang 15 sundalo ng France bilang bahagi ng reconnaissance mission.
Lumapag ang sinakyan nilang eroplano sa Nuuk ang capital ng Greenland.
Kasama nila ang ilang sundalo na ipinadala ng ilang mga bansa sa Europa gaya ng Germany, Sweden, Norway, The Netherlands at United Kingdom.
Ayon naman kay French President Emmanuel Macron na inisyal contingent lamang ang mga ipinadala at maaaring madagdagan pa ang mga ito sa mga susunod araw.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagpupumilit ni US President Donald Trump na ang Artic Island ay isang semi-autonomous na bahagi ng Denmark.
Ipinipilit ni Trump an mahalaga na isailalim sa kontrol nila ang Greendland para sa national security.
Walang magagawa umano ang Greenland kung bigla silang sakupin ng Russia o China.