Skip to content

January 19 - 6 am NEWS

January 19 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jan 19, 2026 | 6:30 AM

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na matagumpay na nakadiskubre ang Pilipinas ng natural gas sa Malampaya East-1, ang kauna-unahang malaking tuklas sa sektor ng enerhiya sa loob ng mahigit isang dekada at may katumbas na 14 na libong kilowat hours ng kuryente sa isang taon.

Ibig sabihin kaya nitong makapag suplay ng kuryente sa mahigit 5.7 milyong kabahayan, 9,500 na mga gusali o halos 2 daang libong paaralan sa loob ng isang taon.

Bukod sa natural gas ay ibinalita rin ng Pangulo ang pagkakadiskubre sa condensing, isang high value liquid fuel na makakatulong din aniya sa pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas pa ang power supply ng bansa.

Ayon sa Pangulo, ang naturang pagtuklas ay nagbibigay ng panibagong sigla sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matiyak ang matatag at maaasahang suplay ng enerhiya para sa bansa.

***

Suportado ng grupo ng mga negosyante ang plano ng Bureau of Internal Revenue o BIR na tax reforms.

Ayon sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. na ang pagsasagawa ng BIR ng audits ay magpapalakas ng kumpiyansa ng mga investors.

Sinabi ng  presidente nila na si  Victor Lim na kumpiyansa ito sa reporma na ipapatupad ni Finance Secretary Frederick Go para magsagawa ng BIR audits matapos ang pag-suspendi ng paglalabas ng letter of authority (LOA) noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang LOA ay nagbibigay ng otoridad sa BIR para suriin ang libro ng mga taxpayers.
Dagdag pa nito na ang nasabing mga hakbang ay magpapatibay pa lalo sa mga lokal at foreign investors ng bansa.