Skip to content

January 19 - 8 am NEWS

January 19 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jan 19, 2026 | 9:46 AM

Umabot na sa mahigit 5,000 katao ang napatay sa mga protesta sa Iran, kabilang ang humigit-kumulang 500 security forces, ayon sa isang lokal na opisyal.

Ang mga “terorista at armadong labanan” ang responsable umano sa pagkamatay ng mga inosenteng Iranian.

Ayon naman sa US-based human rights group (HRANA), 3,308 na ang kumpirmadong namatay, habang 4,382 pang kaso ang sinusuri, at mahigit 24,000 katao ang naaresto.

Maraming residente at video sa social media ang nagpakita ng marahas na pagpigil ng mga pwersa ng estado sa mga demonstrasyon, kabilang ang direktang pamamaril sa mga nagpoprotesta na karamihan ay kabataan.


Pinakamataas ang bilang ng mga nasawi ay sa Kurdish region sa hilagang-kanluran, kung saan aktibo ang mga armadong separatist.

Matatandaan, sumiklab ang mga kilos protestasa Iran noong Disyembre 28 ng nakalipas na taon dahil sa krisis sa ekonomiya, hanggang sa lumawak ito sa malawakang panawagan para sa pagwawakas ng pamumuno ng kasalukuyang rehimen.

Sa kabila ng mga pagkilos ng estado, sinabi ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na hindi nila ilulugmok ang bansa sa digmaan, ngunit tiniyak niyang mapaparusahan ang mga responsable sa kaguluhan kung saan sinisi ng Supreme leader ang Amerika at Ukraine na nasa likod umano ng libu-

-----

Nasawi ang nasa 21 katao habang mahigit 100 katao ang napaulat na nasugatan matapos magbanggaan ang dalawang high-speed trains sa southern Spain.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng tumaas pa ang death toll habang nagpapatuloy ang paghahanap ng rescuers sa wreckage at pagtunton sa mga survivor.

Iniulat ni Spain transport minister Oscar Puente na mahigit 30 katao ang kasalukuyang ginagamot sa ospital matapos magtamo ng seryosong injuries.

Nangyari ang insidente malapit sa Adamuz town, malapit sa city ng Cordoba, nang madiskaril ang isang high-speed train na galling ng Malaga at patungo sana noon sa Madrid. Napunta ito sa kabilang direksiyon saka bumangga sa paparating na isa pang high-speed train, na bumibiyahe naman noon mula Madrid patungong Huelva.


Base sa Iryo, isang private rail company na nag-ooperate ng biyahe mula sa Malaga, nasa 300 pasahero ang sakay ng tren na nadiskaril habang ang isa namang tren ay may lulang 100 pasahero.

Hamon ngayon sa mga rescuer sa pagrekober sa mga survivor at mga labi ang pagbaliktad ng napinsalang tren.

Kasunod naman ng aksidente, sinuspendi ang lahat ng rail services sa pagitan ng Madrid at Andalusia.

Nagpadala naman na ng Spanish Red Cross ng emergency support services sa pinangyarihan ng aksidente kalakip ng pagbibigay ng counselling sa mga pamilya ng mga biktima.

Nakasubaybay naman ngayon sina King Felipe Vi at Queen Letizia kaugnay sa development sa trahediya at nagpaabot ng pakikiramay sa mga kamag-anak at mahal sa buhay ng mga nasawi at para sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan sa insidente.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang sanhi ng pagkadiskaril ng naturang high-speed train.