Skip to content

January 20 - 6 am NEWS

January 20 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jan 20, 2026 | 7:38 AM


Boluntaryong sumuko si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr kagabi ng Lunes, Enero 19, 2026, sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group o  PNP-CIDG sa Camp Crame.
Ito matapos na mailabas kagabi din ang kaniyang warrant of arrest dahil sa kasong malversation at falsification of public documents dahil sa ma-anomalyang P92.8-milyon na flood control project sa Pandi, Bulacan.
Kasama ng dating senador na nagtungo sa PNP-CIDG ang asawa nitong si Cavite Rep. Lani Mercado -Revilla.
Bago ang pagsuko ay nag-live pa ang dating senador sa kaniyang social media kung saan sinabi niya na tila walang due process ang kaniyang kaya mabilis ang paglabas ng kaniyang warrant of arrest.

**

Inilantad umano ng kontrobersiya hinggil sa Grok deepfake ang mga butas sa kasalukuyang batas laban sa mga sexually explicit material na ginawa gamit ang artificial intelligence o AI.

Ito ang sinabi ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Rep. Sarah Elago kasabay ng kanyang panawagan na magpasa ng batas para mapalakas ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse and Exploitation Materials Law.
Ayon kay Elago, hindi sapat ang pagpapatupad lamang ng mga regulasyon ng para harangin ang pagkalat ng Grok sa bansa.
Ayon kay Elago, hindi sapat ang kasalukuyang batas upang tugunan ang AI-enabled sexual abuse and exploitation, at non-consensual deepfake manipulation.