Skip to content

January 20 - 8 am NEWS

January 20 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jan 20, 2026 | 9:45 AM

Nagpatupad ng tatlong araw na pagluluksa si Prime Minister Pedro Sánchez ng Spain matapos ang madugong banggaan ng dalawang high-speed trains
.
Ang nasabing insidente nagresulta sa pagkasawi ng 40 na katao.

Itinuturing ng mga otoridad na ito na ang pinakamatinding aksidente sa tren sa loob ng ilang dekada.

Nangyari ang aksidente ilang oras kung saan galing ang tren sa Malaga at patungo ito sa Madrid.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay nadiskaril ang isang tren na bumangga sa kasalubong nito.


Nagsagawa na ng matinding imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nangyaring aksidente.

----

Magpapatupad ng imbestigasyon ang White House sa patuloy na kilos protesta laban sa mga Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa Minnesota.

Sinabi ni Attorney General Pam Bondi, na maging ang misa ay hindi pinatawad ng mga protesters dahil sa loob ng simbahan ay nagsagawa ng kilos protesta.

Ilang katao ang nagtungo sa Cities Churchsa St. Paul kung saan hindi na natuloy tuloy ang misa.

Magugunitang ilang protesters na rin ang inaresto sa lugar dahil sa pakikipaglaban sa mga kapulisan.


Nagsimula ang kilos protesta ng mapatay ng ICE agents ang babaeng si Renee Goods sa isang checkpoints.

---

Inakusahan ng Syrian Government ang Syrian Democratic Forces (SDF) na lumabag sa ceasefire agreement.

Ayon sa Syrian Army na nagkaroon sila ng engkuwentro ng SDF isang araw matapos na mapirmahan ang ceasefire agreement.

Isinagawa ang pirmahan para matigil na ang ilang linggong labanan na nagresulta sa pagkakasawi ng maraming katao at paglikas ng maraming residente.

Magugunitang ipinipilit ng SDF na makontrol ang pamamahala ng gobyerno ng Syria kung saan nagtangka pa ang mga ito ng kudeta subalit sila ay nabigo.

------------

Inanunsyo ni US President Donald Trump na magpapatupad siya ng 200% tariff sa French wines at champagnes para mapasali si French President Emmanuel Macron sa kanyang Board of Peace initiative.

Sinabi ni Trump na kung alam niyang may paraan para makuha si Macron, agad niyang gagawin, habang balak ng France sa ngayon na tumanggi sa paanyaya.

Ang Board of Peace, na inilunsad ni Trump noong Setyembre para wakasan ang digmaan sa Gaza, ay humihiling ng $1 bilyong kontribusyon mula sa mga miyembrong nagnanais manatili nang higit sa tatlong taon. Inimbitahan din ni Trump si Russian President Vladimir Putin bilang miyembro. (report by Bombo Jai)