Nagbabala ang walong bansa sa Europa laban sa bantang 10% tariff ni U.S. President Donald Trump matapos nilang tutulan ang umano’y plano ng Washington sa kontrol sa Greenland, isang teritoryo ng Denmark.
Sa kanilang joint statement, sinabi ng Denmark, Norway, Sweden, France, Germany, U.K., Netherlands at Finland na ang hakbang ni Trump ay “nakakasira sa transatlantic relations at may panganib ng dangerous downward spiral.”
Nagpatawag ng emergency talks ang European Union at sinabing handa silang depensahan ang sarili laban sa anumang economic coercion. Iginiit ng bloc ang solidarity sa Denmark at Greenland.
Sinubukan umano ni Trump gawing leverage ang tariffs para sa negosasyon sa sovereignty at security ng Greenland, na mahalaga sa strategic interests ng U.S. sa Arctic.
Nagkaroon din ng domestic backlash sa Amerika, kung saan tinawag ng ilang senador at dating opisyal ang hakbang na “mapanira” sa relasyon ng U.S. sa mga kaalyado sa NATO. (report by Bombo Jai)
----
Patay ang nasa apat na katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang factory sa northern China.
Nangyari ang insidente sa Baogang United Steel plan na matatagpuan sa Mongolia.
Dahil sa insidente nasagutan naman ang 84 katao habang mayroong anim na iba pa ang nawawala.
Tumilapon ang maraming bahagi ng gusali dahil sa lakas ng nasabing pagsabog.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagsabog.
----
Pumalo na sa 16 na katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng wildfires sa Chile.
Dahil dito ay inanunsiyo ni Chilean President Gabriel Boric ang state of catastrophe sa rehiyon ng Nuble at Bio Bio.
Pinalikas na rin ang nasa mahigit 20,000 katao na apektado ng nasabing wilfires kung saan mahigit 250 kabahayan ang nasunog.
Tinupok na ng apoy ang nasa 8,500 na hektarya ng lupain sa dalawang rehiyon.
Nagbunsod ang malaking sunog dahil sa nararanasang labis na init ng panahon sa nasabing bansa.