Skip to content

January 21 - 7am NEWS

January 21 - 7am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jan 21, 2026 | 7:30 AM
Iniulat ng  Statistics Canada na lumampas na sa 850,000 ang populasyon ng Winnipeg noong Hulyo 2025, tumaas ng higit 8,200 katao mula noong nakaraang taon. Ang lungsod ang ikalimang pinakamalaking municipality sa Canada, na nagpapakita ng matatag na paglago sa nakalipas na 15 taon.
Ayon kay Mayor Scott Gillingham, positibo ang population increase bilang indikasyon na pinipili ng mga tao ang Winnipeg para manirahan at mamuhunan, pero may kasamang hamon sa city services, tulad ng transit, recreation, policing, paramedics, at firefighters. Binanggit niya ang kahalagahan ng North End Wastewater Treatment Plant para sa hinaharap na paglago ng lungsod.
Kasabay ng paglaki ng populasyon, nalalantad rin ang mga problema sa health-care system. Tinatayang 36% ng respiratory therapist posisyon sa St. Boniface General Hospital at 42% sa Grace General Hospital ang bakante, ayon sa Manitoba Association of Health Care Professionals. Ayon kay Jason Linklater, pangulo ng union, mababa ang morale ng front-line workers at kailangan ng aksyon ng gobyerno upang maibsan ang sitwasyon. 
Nagiging alalahanin din ang housing sector, lalo na sa low-income renters.
**
Magpapatuloy pa hanggang early February ang “brutally cold” na panahon sa Winnipeg, bago inaasahang uminit muli, ayon sa Environment and Climate Change Canada.
Sinabi ni senior climatologist Dave Phillips na mananatiling below normal ang temperatura sa lungsod sa loob ng mahigit isang linggo. Ang normal na daytime high sa panahong ito ng Enero ay –13 C, pero inaasahang babagsak sa mas mababa sa –30 C ang temperatura ngayong linggo — ang pinakamalamig na mararanasan ng lungsod ngayong winter.
Ayon kay Phillips, matapos ang mild start ng January at ang pinakamainit na fall sa loob ng 78 taon sa Manitoba, magiging mas malamig kaysa normal ang kabuuang buwan ng Enero. Iniuugnay niya ang pabago-bagong panahon sa warming Arctic, na nagdudulot ng paggalaw ng jet stream na nagpapalit-palit ng malamig at mainit na hangin.
Bagama’t inaasahang magtatagal ang matinding lamig hanggang early February, sinabi ni Phillips na may “light at the end of the tunnel”, dahil ipinapakita ng mga forecast na mas mainit kaysa normal ang weather patterns sa Winnipeg pagdating ng Pebrero.