Skip to content

January 21 - 8am NEWS

January 21 - 8am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jan 21, 2026 | 8:30 AM

Welcome para kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang naitalang malaking pagbaba ng food poverty sa Pilipinas noong ika-apat na quarter ng 2025.

Batay sa resulta ng OCTA Research Tugon ng Masa (TNM) survey, nakikita ang paggaan ng pasanin ng maraming pamilyang Pilipino pagdating sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Ang pagbaba ng food poverty ay naiuugnay sa mas madaling pagkuha o access ng mga pamilya sa mga pagkain at sa patuloy na pagiging matatag ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

Ayon sa kalihim, ito ay resulta ng mga komprehensibong hakbang at estratehiya na ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon upang matugunan ang problema sa food poverty.

**

Dinoble ng Office of the President ang cash incentives na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga atletang Pilipino nag-uwi ng medalya mula sa 33rd South East Asian Games sa Thailand.

Sa homecoming celebration na ginanap sa Foro Intramuros, Maynila, 

Ginawa ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang anunsiyo na tatanggap ang mga atletang nakasungkit ng gintong medalya ng P300,000,  P150,000 naman para sa mga silver medalist at P60,000 para sa bronze medalists.

Ang halagang ito ay bukod pa sa kaparehong cash incentives na ipinagkakaloob sa ilalim ng Republic Act 10699 o Athletes and Coaches Incentives Act.

Umabot sa 277 ang kabuuang medalyang naiuwi ng mga atletang Pinoy sa nakaraang SEA games kung saan, 50 ang nasungkit na gintong medalya, 73 ang silver medal at 154 ang bronze.