Skip to content

January 22 - 7am NEWS

January 22 - 7am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jan 22, 2026 | 7:30 AM

Dumarami ang matinding banta at manipulasyon sa social media laban sa kabataan sa Canada, ayon sa Canadian Centre for Child Protection o C3P. Mula June 2022 hanggang Dec 2025, 127 kaso ng extreme online violence ang nai-report, at 84% ay girls, karamihan ay teenagers, pero may pinakabata na 11 years old.
Kadalasan, ginagamit ang threats, blackmail, at doxing para pilitin ang mga bata sa self-harm, degrading acts, o pananakit. Pinaka-madalas nabanggit ang Discord, pati na ang Roblox, Minecraft, Twitch, at Telegram.
Nanawagan ang C3P para sa mas mahigpit na online safety regulations at hinihikayat ang mga magulang na makipag-usap sa mga anak tungkol sa online safety.


**

 
Mahigit dalawang linggo nang walang heat ang three-storey building sa 875 Westminster Ave., Wolseley, at wala pa ring agad na solusyon. Dahil sa low –20s temperatures, tenants at business owners ay nahihirapan at consofortably cold sa kanilang units at workplaces.

Ayon sa landlord, proactively shut down ang boiler noong Jan. 4 matapos may mataas na levels ng carbon monoxide. Nagbigay sila ng space heaters, pero kulang pa rin, at may units na bumaba sa 10–15°C, mas mababa sa provincial minimum na 21°C sa araw at 18.3°C sa gabi.

Kasama ang tenants, nagre-report din ang mga negosyo sa building, tulad ng Organic Planet Worker Co-op, kung saan ang temperature sa store ay bumaba hanggang 5°C, nagdudulot ng panganib sa kanilang produce at operasyon.  Patuloy ang assessment at maaaring palitan ang boiler, habang hinihikayat ang mga tenants na i-report ang hindi maayos na heating sa Residential Tenancies Branch o Environmental Health Office.