Itinanggi ng White House ang mga ulaat na may sakit si U.S. President Donald Trump matapos ang pag-kalat ng mga larawan sa kanyang kaliwang kamay na may pasa habang dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ayon sa White House, sanhi lamang ito ng pagkakatama ng kamay ng pangulo sa gilid ng isang mesa at hindi nangangahulugang banta sa kanyang kalusugan.
Kinumpirma ni Press Secretary Karoline Leavitt na walang pasa sa kamay si Trump bago ang naturang insidente.
Gayunman, muling umusbong ang espekulasyon sa kalusugan ng 79-anyos na si Trump dahil sa mga naunang pasa sa kanyang mga kamay na na-obserbahan sa publiko.
Iginiit ng administrasyon na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ni Trump, na dati nang idineklarang may “excellent” cardiovascular health ng kanyang doktor.
----
Nagkaroon na ng magandang daan ang ceasefire deal sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Kasunod ito sa naging pulong nina Ukraine President Volodymyr Zelensky at US President Donald Trump.
Sinabi ni Zelensky na pumayag na sila sa dokumento ng security guarantees.
Maaari lamang ito mapirmahan kapag natapso na giyera.
Ayon naman kay Trump na magtutungo na ang delegasyon ng US sa Russia para isulong ang ceasefire at tuluyang matapos na ang giyera.
----
Nakahand ang gobyerno ng Greenland na makipag-usap sa United States.
Ayon kay Greenland’s Prime Minster Jens-Frederik Nielsen na maraming bagay ang handa nilang pag-usapan ni US President Donald Trump subalit ibang usapan naman kung ang soberanya ang nakataya.
Hindi aniya katanggap-tanggap sa mga mamamayan ng Greenland ang pagpipilit ni Trump na angkinin ang kanilang bansa.
Magugunitang inihayag ni Trump na hindi nila idadaan sa anumang dahas ang pag-angkin sa Greenland at mayroon na umanong kasunduan na inihanda ng US at Greenland.