Ipinanakula ni Albay Representative Adrian Salceda ang isang panukalang batas na may layuning alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga benepisyong natatanggap ng mga healthcare worker mula sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Ang nasabing panukala, na kilala bilang House Bill No. 7033, ay naglalayong gawing tax-exempt o hindi na bubuwisan ang iba’t ibang uri ng benepisyo na ibinibigay ng PhilHealth sa mga manggagawang pangkalusugan.
Kabilang sa mga benepisyong ito ang mga allowance, hazard pay , performance-based incentives , at iba pang health human resource support.
Ayon kay Representative Salceda, ang mga benepisyong ito na nagmumula sa PhilHealth ay nararapat lamang na ituring bilang isang uri ng social protection o panlipunang proteksyon para sa mga healthcare workers.
**
Naghain si Senate President Vicente Sotto III ng panukalang batas na layong palakasin ang Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC upang gawing mas epektibo at mas mabilis tumugon ang sistema ng deposit insurance sa bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1667, palalawakin ang saklaw ng proteksiyon sa deposito, kabilang ang pagpapatupad ng differential insurance at pag-extend ng deposit insurance sa ilang non-bank financial institutions at mga produktong kooperatiba na itinuturing na deposito ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Cooperative Development Authority.
Layunin din ng panukala na pabilisin ang pagproseso at paglalabas ng deposit insurance claims upang agad na ma-access ng mga depositor ang kanilang ipon sakaling magsara ang isang bangko.
**
Ipatutupad na rin ni MMDA General Manager Nicolas Torre III ang five-minute response policy para sa mga traffic accidents.
Ang naturang polisiya ay unang ipinatupad ni Torre sa PNP ng siya ay hepe pa nito.
Ayon kay Torre, nakatakdang i-launch ang bagong polisiya sa mga susunod na araw kung saan ngayong linggo aniya ang huling linggo ng pagsasanay at dry-run.
Naniniwala si Torre na talagang siksikan na ang mga kalsada at lalo pa itong sisikip kapag nagkaroon ng banggaan sa daan.