Inakusahan ni US Vice President JD Vance ang ilang Democrats na nanghihikayat sa mga tao para maging marahas.
Kasunod ito sa naging malawakang kilos protesta sa Minnesota matapos na mapatay ng Immigration Custom Enforcement (ICE) ang isang babae.
Dagdag pa ng US Vice President na ang kamatayan ng biktimang si Renee Nicole Good ay kagagawan din niya.
Base kasi sa pagtatanggol ng White House ay prinotektahan lamang ng mga ICE agents ang kanilang sarili dahil sa tinangka sila na sagasaan ng biktima.
----
Nakaranas ng internet blackout ang Iran matapos ang nagaganap na malawakang kilos protesta.
Ang nasabing kilos protesta na pang-12 araw ay isinagawa sa Tehran at iba’t-ibang lungsod sa Iran.
Nagsimula ang kilos protesta dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng Iran.
Aabot na rin sa 45 katao ang nasawi noong makasagupa ng mga protesters ang kapulisan.
Una rito ay nagbanta rin si US President Donald Trump sa gobyerno ng Iran na sila ay mangingialam kapag mayroong nasawing mga protesters.
---
Nagpasa ng panukalang batas ang US Senate na haharang sa pagpapatupad ni President Donald Trump ng military actions sa Venezuela ng walang pahintulot sa kongres.
Ang resolution ay nakakuha ng 52 na bumuto ng oo at 47 naman an kumontra dito.
Kabilang sa mga bumuto ang limang senador na kaalyado ni Trump na mula sa Republicans.
Nangyari ang botohan matapos ang ilang araw ng maaresto ng US si Venezuelan President Nicolas Maduro.
Noong nakaraang taon kasi ay hinarang ng US Congress ang dalawang pagtatangka para maipasa ang nasabing resolusyon sa Senado.
---