Ganap nang itinigil ng Iraq ang operasyon ng kanilang oil ports kasunod ng mga pag-atake ng Iran sa dalawang oil tankers, na kumitil ng isang Indian national.
Kinumpirma ni Iraqi Ports Company director general Farhan al-Fartousi na ganap na nilang sinuspendi ang mga operasyon sa oil terminals ng Iraq subalit mananatiling functional ang commercial ports.
May isa ring nasawi habang nailigtas ang 38 iba pang sakay ng oil tankers na nasunog sa Persian Gulf matapos tamaan ng pinaniniwalaang Iranian water drone.
Ayon sa Baghdad Embassy ng India ngayong Huwebes, nasawi ang Indian national sa pag-atake sa kanilang crude oil tanker na Safesea Vishnu habang ang 15 Indian crew ay inilikas sa ligtas na lugar.
Simula kahapon, Marso 11, nakapagtala na ng kabuuang anim na pag-atake sa mga barko sa Persian Gulf, habang ang katabi nito na kritikal na lagusan ng Strait of Hormuz ang punterya ng pag-atake ng Iran para harangan ang oil shipping bilang ganti sa joint attack ng Amerika at Israel.
----
Inanunsiyo ng International Energy Agency na pumayag ang 32 na miyembrong bansa nila na magpalabas ng 400 milyon na bareles ng langis.
Ang nasabing hakbang ay para matugunan ang krisis sa langis dahil sa labanan sa Gitnang Silangan.
Ayon kay IEA executive director Fatih Birol na nagpasya ang mga miyembro nila para hindi na lalo sumipa ang presyo ng produktong langis.
Magugunitang nakakaranas ang maraming bansa ng mataas na presyo ng langis mula ng atakihin ng US at Israel ang Iran na nagresulta sa pagkakasara ng mga pangunahing daanan ng mga barko.
Inaatake rin ng Iran ang mga barkong may kargang langis na dumadaan sa ilang karagatang sa bahagi ng Gitnang Silangan.
Ang mga bansang bumbuo ng IEA ay kinabibilangan ng Canada, Chile, Mexico, US , Austria, , Belgium, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Slovak Republic, Spain, Sweden, Switzerland, Türkiye, United Kingdom, Australia, Japan, Korea, New Zealand, Colombia, Israel, Brazil , Argentina, China, Egypt, India, Indonesia, Kenya, Morocco, Senegal, Singapore, South Africa, Thailand, Ukraine, Vietnam.