Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mahigit 47,000 indibidwal ang naapektuhan ng kombinasyon ng shear line at bagyong Verbena.
Ang shear line, na dulot ng salubungan ng malamig at mainit na hangin, ay nagdulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Kasabay nito, nagdulot din ng pagbaha at pag-apaw ng mga ilog ang bagyong Verbena, dahilan upang lumikas ang daan-daang pamilya sa mga evacuation centers.
Nakaposisyon na ang mga rescue teams mula sa Philippine Red Cross at lokal na pamahalaan upang magbigay ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Suspendido ang klase sa ilang bayan sa Negros Occidental, Iloilo, at Samar dahil sa patuloy na pagbaha.Binabantayan din ang posibleng pag-intensify ng bagyo habang nagpapatuloy ang ulan sa rehiyon.
Inamin ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na lumiit na ang mundong ginagalawan nito matapos na kanselahin ang kaniyang pasaporte.
Ayon kay Roque na kaniyang iaapila ang nasabing desisyon ng korte dahil sa ito ay asylum seeker lamang at hindi nagtatago sa kaso.
Giit pa nito na kasalukuyang nasa The Hague ito dahil hindi niya iiwan si dating pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit sa International Criminal Court.
**
Idineklara ni Pope Leo bilang bagong minor basilica ang Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo sa Maynila.
Ayon sa Tondo Church, itinaas ng Vatican ang titulo ng simbahan bilang Minor Basilica sa pamamagitan ng isang Papal Decree na may petsang Nobyembre 9. Ang naturang dokumento ay iniabot ni Fr. Carmelo Arada, Chancellor ng Archdiocese of Manila, kay Msgr. Geronimo Reyes, Rector ng Tondo Church.
Si Pope Leo mismo ang nagkaloob ng bagong titulo sa Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo.
Ayon sa simbahan, ang makabuluhang sandaling ito ay nagmamarka ng opisyal na pagtanggap ng atas ng Santo Papa, na isang mahalagang hakbang sa paglalakbay tungo sa bagong titulo bilang Minor Basilica.