Kinastigo ni Defense Secre¬tary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang China dahil sa umano’y bantang parusa sa mga mambabatas na bumanat laban sa Beijing.
Base sa ulat ng Chinese media outlet noong Oktubre 22, pinaplano umano ng Beijing na magpataw ng parusa sa mga mambabatas sa Pilipinas dahil sa kanilang anti-China remarks.
Ang napaulat na parusa ay maaaring makaapekto rin umano sa diplomatikong relasyon ng dalawang bansa, lalo na ang West Philippine Sea (WPS), trade at economic supplies, labor policies, tourism, at consular arrangements.
Minaliit naman ito ni Teodoro sa pagsasabing propaganda lamang ito sa gitna ng umiinit na maritime issues sa pagitan ng Pilipinas at China.
“Gawin na nila ‘yung gusto nila. This is all propaganda, hindi lumilihis sa issue. Meron ba silang karapatan sa West Philippine Sea, sa Ayungin, or sa Bajo de Masinloc? ‘Yun ang major point,” diin ng kalihim.
Hanggang ngayon umano, sinabi ni Teodoro na hindi sinasagot ng China ang mga dokumentadong Arbitral ruling sa WPS.
---
Nakiusap si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Philippine National Police (PNP) na gawing mapayapa at walang karahasan ang pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa isang post sa kanyang X account nitong Linggo, iginiit ni Lacson na ang due process ay isang panguna-hing karapatang ginagarantiyahan sa bawat tao, kabilang si Dela Rosa.
“Senator Ronald dela Rosa is my Senate colleague, a former subordinate in the Phi¬lippine National Police, and a fellow Philippine Military Academy Cavalier. I sincerely hope and pray that should his arrest take place sooner or later, it will be carried out peacefully, without violence or tragedy,” ani Lacson.
“He (dela Rosa) has his faults, as we all do. But whatever accusations he faces, he is entitled to due process, a fundamental right guaranteed to every Filipino, and for that matter, to every human being,” dagdag pa niya.
Noong nakaraang linggo, hinamon ng Malacañang si Dela Rosa na sumuko na lamang upang hindi na dumanak ang dugo kapag pinuwersa ng mga pulis ang paglusob sa kuta nito na binabantayan umano ng mga armadong grupo.
Nahaharap si Dela Rosa sa pag-aresto sa bisa ng warrant na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte. Nagtago siya noong Nobyembre 2025 matapos malaman ang tungkol sa warrant.
Nagpakita siya sa Senado noong Mayo 11 upang bumoto para kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate president, ngunit tumakas sa Senado kasunod ng isang pamamaril sa loob ng Senado noong Mayo 13.
Noong Biyernes, inanunsyo ng pamahalaan ang P50 milyong pabuya para kay Dela Rosa, habang binigyan naman siya ng Philippine National Police ng isang linggo upang sumuko. Kinuwestiyon ng mga abogado ni Dela Rosa ang legalidad ng pabuya. (Dindo Ma¬tining)