Skip to content

September 10 - 7 am NEWS

September 10 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 10, 2026 | 8:42 AM

 Pinawalang-sala ng Supreme Court si dating fiirst lady Imelda Marcos sa pitong counts ng graft at binaligtad ang 2018 conviction sa Sandiganbayan.

Sa 50-pahinang ruling ng SC First Division, sinabi ng korte na hindi napatunayan ng prosecution beyond reasonable doubt ang guilt ni Marcos kaugnay ng umano’y financial interests niya sa mga private foundation sa Switzerland.

Ibinasura bilang inadmissible evidence ang mga Swiss documents na pangunahing basehan ng kaso dahil hindi umano ito wastong na-authenticate.

Sinabi rin ng SC na hearsay ang laman ng mga dokumento at hindi competent ang mga witness na nagpakilala sa mga ito para patunayan ang kanilang veracity.

Dagdag pa ng korte, hindi rin napatunayan ng prosecution na mga business ang mga foundation na saklaw ng anti-graft law. 

---

Nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida na walang "immunity from suit" si Vice President Sara Duterte at ang pangulo lamang ang may ganitong pribilehiyo.

"Ang vice president po, sa partikular na bagay na 'to, ay wala pong immunity from suit," ani Vida sa press briefing nitong Huwebes, September 10.

Kinalungkot din ni Vida ang pahayag ni Duterte na hindi raw siya ligtas, pero iginiit niyang handa ang mga law enforcement agencies na gampanan ang kanilang mga tungkulin para tiyakin ang seguridad hindi lamang ng bise presidente kundi ng lahat ng mga Pilipino.

"I don't like to speculate where she is coming from, pero nakakalungkot, pero patuloy naman po pinatotohanan ng ating mga iba't ibang law enforcement agencies na sila ay handa at gaganap sa kanilang tungkulin para ma-secure hindi lamang po ang ating vice president, kundi lahat po ng Pilipino," ani Vida.

Nauna nang sinabi ni Duterte na pakiramdam niyang hindi siya ligtas matapos niyang humarap sa Quezon City Hall of Justice noong Sept. 5 para magpiyansa kasunod ng pag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong grave threats.